Monday 20 May 2013

Man and Woman. (c) Victor Hugo


Man is the most elevated of creatures, Woman the most sublime of ideals.
God made for man a throne; for woman an altar.
The throne exalts, the altar sanctifies.

Man is the brain, Woman, the heart.
The brain creates light, the heart, Love. Light engenders, Love resurrects.

Because of reason Man is strong, because of tears Woman is invincible.
Reason is convincing, tears moving.

Man is capable of all heroism, Woman of all martyrdom.
Heroism ennobles, martyrdom sublimates.

Man has supremacy, Woman, preference.
Supremacy is strength, preference is the right.

Man is a genius, Woman, an angel.
Genius is immeasurable, the angel undefinable.

The aspiration of man is supreme glory,
The aspiration of woman is extreme virtue.
Glory creates all that is great; virtue, all that is divine.

Man is a code, Woman a gospel.
A code corrects, the gospel perfects.

Man thinks, Woman dreams.
To think is to have a worm in the brain,
to dream is to have a halo on the brow.

Man is an ocean, Woman a lake.
The ocean has the adorning pearl, the lake, dazzling poetry.

Man is the flying eagle, Woman, the singing nightingale.
To fly is to conquer space. To sing is to conquer the Soul.

Man is a temple, Woman a shrine.
Before the temple we discover ourselves, before the shrine we kneel.

In short, man is found where earth finishes, woman where heaven begins.

Sunday 10 February 2013

Dahil nag aantay ako.


Nakakatuwang isipin na may mga taong single parin hanggang ngayon. At sa dinami rami ng maaaring dahilan, yun pang PAG ANTAY.

Biruin mo? Sa dinami rami ng tao sa mundo, nagagawa mo pang mag antay. To think na ang dami mong nakikilala sa bawat araw. Sa dami ba naman ng taong nakakasalamuha mo sa pang araw-araw na buhay mo, wala kang nagugustuhan sakanila? Sa lahat ng mga taong kakilala mo, wala man lang makakuha ng atensyon mo? Sa lahat ng mga taong nakakasama mo, hindi ka man lang ba nagiging ineteresado sakanila? At sa lahat ng nagiging parte ng bawat araw mo, wala man lang nakakapagpatibok ng puso mo? Seryosong tanong na nangangailangan ng seryosong sagot.

WALA. DAHIL MAY INAANTAY AKO.


Tipong wala kang pakialam sa mga taong nakakasalamuha mo araw-araw,
kasi gusto mo SIYA lang yung makakasalamuha mo.
Tipong SIYA lang ang nakakakuha ng atensyon mo.
Tipong SIYA lang nagpapatibok ng puso mo. :)

Yun yung pinakamasayang parte ng pag aantay. Yung alam mong bukas makalawa, andyan parin siya. Panatag ka kasi alam mong hindi siya mawawala. Makakatulog ka ng maayos kasi naging parte siya ng araw mo. At gigising ka dahil magiging parte nanaman siya ng araw mo. Diba ang saya? Ang sarap sa pakiramdam na inaantay mo nalang kung ano pa yung mga susunod na mangyayari.


WHAT IF.. What if wala kang maaantay? Saklap ha. Kung gaano ka kasaya na nag aantay ka, ganun ka din masasaktan na harapin ang katotohanan.
Dahil hindi lahat ng inaakala natin ay TAMA.
At hindi rin lahat ng gusto nating mangyari ay mangyayari.

DAHIL WALANG KASIGURADUHAN ANG PAG AANTAY.

LAHAT AY MAAARING MAGBAGO.
Ang  dinidikta ng isip mo, ang desisyon mo at ang nararamdaman mo. Parte yan ng pag aantay. Kaya dapat ay handa tayo sa maaaring mangyari.


WALANG MADALING SITWASYON PAG NAGMAHAL KA.
PAPAHIRAPAN KA DAHIL KAILANGAN MONG MATUTO.
KAYA PAG NAGMAHAL KA, DAPAT HANDA KA.
Magdasal ka nang makausad.


Saturday 19 January 2013

AKALA


May mga tao talaga na dadating sa buhay natin.
Hindi mo alam kung bakit. Hindi mo alam kung paano.
At hindi mo alam kung para saan. Hindi mo alam kung magtatagal.
Hindi mo alam kung anong mga susunod na mangyayari.
Hindi mo alam kung hanggang kelan.

Dadating kayo sa punto na magiging masaya ang bawat araw kasama ang isa’t isa. Yung araw na wala na kayong iniisip kundi yung kaligayahan ng bawat isa. Kung paano niyo sisimulan at tatapusin ang araw ng magkasama. Kung paano niyo pananatilihin yung sitwasyon na AYAW niyo nang mawala. Tipong importante na siya sayo. Parte na siya ng buhay mo.
Dahilan siya ng mga ngiti mo. Iniisip mo sa pagtulog mo. Magpapasaya sayo paggising mo. Dahilan para masimulan mo ang araw mo ng may ngiti sa labi. Ang sarap isipin na sa bawat araw na dadaan, alam mong may kasama ka. Panatag yung loob mo kasi alam mong hindi ka nag iisa.
TIPONG ANG LAKI NG PASASALAMAT MO KASI NAKILALA MO SIYA. KASI HINDI KA RAW NIYA IIWAN.


Hanggang sa dumating yung araw na kinakatakot mo.

YUNG ARAW NA BIGLA SIYANG BUMITAW.

Yung araw na nalaman mong hanggang dun nalang lahat ng yon.
SOBRANG SAKIT DIBA?



Tapos hindi mo alam kung sino ang dapat sisihin.

Sarili mo ba dahil hindi ka naging handa sa maiksing panahon o siya na hindi makapag antay?

Ikaw na pinalampas ang pagkakataon o siya na nag antay sayo ng matagal na panahon?

Kayo na nagmahal sa maling oras o panahon na nagsasabing hindi kayo ang para sa isa’t isa?


Mapanlinlang ang bawat tao. Akala mo siya na, pero hindi pala. Akala mo kayo na, pero hindi pala. AKALA MO OKAY NA, PERO HINDI PALA.
Wala tayong magagawa. Wag na nating ipilit. Malay mo balang araw, kayo pala talaga. Yung mga inaakala mo, totoo pala. MALAY MO, DIBA?
AKALA MO HINDI PARA SAYO, PERO SAYO PALA TALAGA. MAGDASAL.

Sunday 28 October 2012

ISIP AT PUSO. PUSO AT ISIP.

Dalawang importanteng bahagi ng tao.
Dalawang bahagi na laging nagtatalo.
Dalawang bahagi na nagkakasundo.
Dalawang bahagi na madalas gumugulo sayo.

Puso. Bahagi na nagsasaad ng nararamdaman ng isang tao.
Andito yung mga iba't ibang emosyon.
GALIT. SAMA NG LOOB. SAKIT. LUNGKOT. SAYA.
Lahat yan isinasaad ng puso.
Kasi pag puso ang pinag-uusapan, lagi yan, ang nararamdaman.

Isip. Bahagi na tumutukoy sa nararamdaman ng isang tao.
Ito yung lagi nating ginagamit.
Kasi nga pag wala ka neto, talo ka.
Utak, ang kumokontrol sa sa bawat kilos natin.
Tumutukoy sa kinikilos natin.
Kumikilos sa bawat desisyon natin.

Aabot ka sa puntong magtatalo ang dalawang to, ang puso at ang isip.
ANG LABAN NA MAHIRAP TAPUSIN.

ANG NARARAMDAMAN O ANG DAPAT?
ANG KALIGAYAHAN O KALAYAAN?
ANG SARILI O ANG IBANG TAO?
ANG PUSO O ANG ISIP?

Pano kung sundin ko yung puso ko?
Malamang magiging masaya ako.
Hindi ako masyadong masstress. Maiinspire ako.
Magiging madali para sa akin ang mga bagay bagay.
Magiging masaya ako lagi.

Pano kung sundin ko yung isip ko?
E KASI MALI NA MASAYA AKO TAPOS MAY NASASAKTAN AKO.
Mali na magkasama kami kasi iba dapat yung kasama niya.
Mali na ako yung andyan para sakanya samantalang
may nagmamahal naman sakanya.
Mali na mahalin ko siya kasi may nagmamahal na sakanya.


KALMA!!! Ang hirap eh, no? </3
SA PUSO MO, OKAY NA LAHAT.
PERO SA ISIP MO, HINDI.

Yung mga ganitong pagkakataon na hindi mo alam kung ano yung susundin mo. Yung walang makakapagsabi ng desisyon mo, kundi sarili mo lang. Maaaring mabigyan ka ng payo ng ibang tao pero sariling desisyon mo parn ang masusunod. AT YUN ANG PINAKAMAHIRAP SA LAHAT!

Nasa sayo na yan kung anong dapat gawin.
Dahil walang sinuman ang makakapagsabi
ng dapat at hindi dapat para sayo.
Kundi ang sarili mo lang.

PAKINGGAN MO ANG SINASABI NG PUSO MO.
GAMITIN MO ANG UTAK MO. MAGDASAL.

Tuesday 23 October 2012

SALAMAT SAYO.

Darating yung araw na may taong darating sa buhay mo.
Yung araw na makikilala mo siya.
Darating yung araw na magkakaroon kayo ng memorya.

Yung mga panahong dumating siya...
Na wala kang ideya kung anong pwedeng mangyari.
Magkakasundo ba kayo?
Magiging magkaibigan ba kayo?
Mahuhulog ka ba sakanya?
Lahat may posibilidad. Lahat ay maaaring mangyari.
Hindi mo alam kung kelan. Hindi mo alam kung paano.

Yung mga panahong nakikilala niyo na ang isa't isa...
Nagtatawanan sa mga biruan.
Nagkwekwentuhan ng mga bagay bagay sa buhay.
Yung mga panahong nagiging masaya ka na sakanya.

Yung mga panahong nagkakamabutihan na kayo...
Nagkakaintindihan na kayo.
Komportable na kayo sa isa't isa.
Gusto niyo yun at yun nalang ang mangyari,
ang makasama ang isa't isa.

Yung mga panahong tuluyan ka nang nahulog sakanya.
Na wala ka nang ibang iniisip kundi... KAYO.


DUMATING SIYA SA BUHAY MO.
PERO PAANO KUNG..
HANGGANG DUN NALANG YON?

Hanggang sa dumating yung panahon na nawala na yung KAYO.
Yung dati, akala mo happy ever after.
Akala mo meant to be. Akala mo together forever na.
AKALA MO KAYO NA. HINDI PALA.
ANG SAKIT ISIPIN NA HINDI PALA KAYO YUNG MEANT TO BE. SAKLAP!!!



Pero alam mo kung anong hindi ko makakalimutan?
YUNG MGA ARAW NA NAGING MASAYA AKO KASAMA KA.
YUNG MGA ORAS NA RAMDAM KONG MASAYA KA RIN SAKIN.
YUNG MGA PAGKAKATAONG GUMAGAWA TAYO NG MGA
MEMORYA NANG HINDI NATIN NALALAMAN.
HINDI KO MALILIMUTAN LAHAT YON.


SANA KUNG PAANO KO PINAPAHALAGAHAN
LAHAT NG MEMORYA NATIN, SANA GANUN KA DIN.
WAG KA SANANG MAKAKALIMOT.
SALAMAT SAYO, PAALAM.


SO HELP ME, LORD.

Monday 8 October 2012

Kasi hindi pwede..

Anong gagawin mo pag nalaman mo na..
MAY MAHAL NA YUNG TAONG GUSTO MO?
Malamang dahil gusto mo, aantayin mo diba?
Pero bakit ako.. pinakawalan ko.

Bakit ko pinakawalan? Bakit hindi ko pinaglaban?
KAI HINDI PWEDE. Kasi may mahal na siya.
Kasi hindi ko siya kayang ipaglaban.

Selfish ako? Hindi.
May rason kung bakit hanggang dun nalang yun.

NAKAKAINIS LANG NA..
Sakanya ka masaya kahit may mahal na siya.
Siya yung nagpapangiti sayo pero iba yung gumagawa nun sakanya.
Gusto mo siyang makasama pero may kasama na siya.
Gusto mo siyang pasayahin pero may nagpapasaya na sakanya.
KAHIT YUNG MALILIIT NA BAGAY..
Papayungan mo siya pag umuulan.
Sasamahan mo siya kung saan niya gustong pumunta.
Makikipagkulitan ka sakanya.
Magkatext kayo magdamag.
Nagtatawagan kayo.
PERO MAY IBA NANG GAGAWA NUN SAKANYA.

MOVE ON!!
Tutal hindi mo rin lang maipaglaban.
Tutal may mahal narin naman siya.
EDI LET GO NA. Diba?

MAHIRAP PERO KAILANGAN.
MAHIRAP PERO YUN YUNG DAPAT.

ANG SAKIT LANG!
Kung bakit ba kasi sa dami ng taong magugustuhan ko,
yung may mahal pa.

Ganun siguro talaga.
Sadyang hindi siya yung para sayo. Think positive!
There are lots of fish in the water. :)

MAGDASAL KA NALANG.
Lord, sana po maging masaya na siya.
Sana rin po, dumating na yung para sakin. Amen.

Thursday 4 October 2012

LEARN TO LET GO ♥

Alam mo yung pakiramdam na ang bigat ng dinadala mo?
Kasi sobra kang nahihirapan sa sitwasyon mo.
Hindi mo maintindihan ang mga nangyayari
pati yung mga susunod pang mangyayari.
Pakiramdam mo parang laging may mali. Haaay.

Naisip mo ba minsan, pano kung maipit ka sa isang sitwasyon?
Yung gusto mo, ikaw yung para sakanya.
PERO MERON NANG PARA SAKANYA. AT HINDI IKAW YON.
Alam mo na yung katotohanan pero hirap kang tanggapin.
Nahihirapan ka, kasi ayaw mo.
Sino ba naman kasing matinong tao ang magpapaubaya ng taong mahal nila sa ibang tao?! Well, AKO. Ikaw? TAYO.
Mga taong handang magparaya.
Mga taong handang masaktan, mapasaya lang yung taong mahal nila.
Mga taong handang magsakripisyo.
Mga taong tumatanggap ng pagkatalo, para sa kasiyahan ng taong mahal mo.
Kalokohan?!! HINDI. Pagpaparaya tawag diyan.

Kung ako rin lang naman yung papipiliin..
Mas mabuti na sigurong pakawalan ko siya nang maging masaya siya.
Kesa ikulong siya ng alam mong mahihirapan siya.
MATITIIS MO BANG MAKITA YUNG TAONG MAHAL MO NA NALULUNGKOT?
Hindi diba? Kasi mas doble yung sakit sayo.

PAGPAPARAYA. Triple yung sakit.
Pero mas matitiis ko naman yun.
Kesa yung taong mahal ko ang malungkot, ako nalang.
Mas kaya ko. Kakayanin ko para sakanya.



Ikaw? Wag mong isipin na binabalewala kita.
Kasi para sayo 'tong ginagawa ko.
Sana maging masaya ka.
Because I'm setting you free.

Ako? I'll just pray.